Buscar
🇪🇸
MEM
O
RY
.COM
4.37.48
Invitado
Iniciar sesión
Página de inicio
0
0
0
0
0
Crear curso
Cursos
Último juego
Panel
Notificaciones
Clases
Carpetas
Exámenes
Exámenes personalizados
Ayuda
Marcador
Tienda
Premios
Amigos
Asignaturas
Modo oscuro
Identificador de usuario: 999999
Versión: 4.37.48
www.memory.es
Estás en modo de exploración. debe iniciar sesión para usar
MEM
O
RY
Inicia sesión para empezar
Index
»
PSYCHOLOGY
»
Chapter 1
»
Level 1
level: Level 1
Questions and Answers List
level questions: Level 1
Question
Answer
Ang wika ay patuloy na nagbabago at umuunlad
Buhay at Dinamiko
Ito ay binubuo ng mga makabuluhang tunog(ponema) na kapag pinagsama-sama sa makabuluhang sikwens ay makakalikha ng mga salita(morpema) na bumabagay sa iba pang mga salita(semantiks) upang makabuo ng mga pangungusap
May masistemang balangkas
Lahat ng wika ay napagkakasunduan ng mga gumagamit nito. Alam ng mga Ilokano na kapag sinabing [balay], bahay ang tinutukoy nito. Sa Chavacano naman ay [casa] kapag nais tukuyin ang bahay at [bay] naman sa Tausug samantalang [house] sa Ingles.
Arbitraryo
dahil ito ay binubuo ng mga tunog. Upang magamit nang mabuti ang wika, kailangang maipagsama-sama ang mga binibigkas na tunog upang makalikha ng mga salita.
Sinasalitang tunog
Lahat ng wika ay may sariling set ng palatunugan, leksikon at istrukturang panggramatika. May katangian ang isang wika na komon sa ibang wika samantalang may katangian namang natatangi sa bawat wika.
Pinipili at isinasaayos dahil ang wika ay may kakanyahan
Tao lamang ang nagtataglay ng mga bahaging ginagamit sa pagsasalita at pagbuo ng mga tunog pangwika. Magkaiba ang wikang pantao at panghayop.
Ang wika ay pantao
Nakabubuo ng iba’t ibang anyo at uri ng pahayag sa kanilang pakikipagtalastasan. Nagagamit din ito sa paggawa ng iba’t ibang anyo ng panitikan.
Ang wika ay malikhain
Tulad ng salitang malong, wala itong katumbas sa tagalog, tanging kulturang Muslim lamang ang may ganito.
Ang wika at kultura ay palaging magkabuhol
Kasabay ito ng tao sa pagsilang sa mundo
Ang wika ay likas na katutubo
Tungkol saan ang Aralin 1?
Pagtataguyod ng Wikang Filipino
Tore ng Babel(Genesis 11-9)
Lumang tipan
Speaking in Tounges
Bagong tipan
Sinasabi sa teoryang ito na ang unang wikang natutuhan ng mga tao ay nagmula sa panggagaya ng mga tunog na nalilikha ng mga hayop gaya ng tahol ng aso, huni ng ibon, tilaok ng manok at iba pa.
Teoryang Bow-wow
Maliban sa mga tunog ng hayop, ang mga tunog ng mga bagay-bagay sa ating kapaligiran na pinaniniwalaang may sariling tunog, gaya halimbawa ng pagtunog ng kampana, ay nakatulong din sa mga sinaunang tao sa paglikha ng wika.
Teoryang Ding-dong
Sinasabi ng teoryang ito na naunang sumenyas ang tao kaysa magsalita. Ngunit sa pagdating ng tamang panahon, kailangan niyang palitan ng mga salita ang kanyang nais sabihin.
Teoryang Yum-yum
Natutuhan ang wika sa kumpas ng maestro sa musika.
Teoryang Ta-ta
ang unang mga salita na namutawi sa bibig ng mga sinaunang tao ay mga salitang nagsasaad ng matinding damdamin o bunga ng silakbo ng damdamin gaya ng pagkatakot, sakit, labis na katuwaan o kalungkutan, at pagkabigla.
Teoryang Pooh-pooh
Nalikha dahil sa pwersang gamit. Nakakalikha ang tao ng tunog kapag may ginagawang kahit na anong bagay.
Teoryang Yo-he-ho
Ang mga tao ay natutong humabi ng mga salita mula sa mga seremonya at ritwal na kanilang ginagawa.
Teoryang Tara-boom-de-ay
Mga salitang ginagamit na di gaanong tanggap ng lipunang Pilipino tulad ng kalaswaan at pagmumura.
Bulgar
ito ang pinakamababang antas. Ito ay binubuo ng mga salitang kanto at gay lingo na sumusulpot sa kapaligiran / ginagamit sa lansangan.
Balbal
ito ang wikang sinasalita ng pangkaraniwang tao ngunit bahagya ng tinatanggap sa lipunan.
Kolokyal
kabilang sa antas na ito ang mga salitang katutubo sa lalawigan.
Lalawiganin
salitang madalas gamitin sapagkat nauunawaan ng buong bansa. Ito ay isang wika na natatanging kinakatawan ang pambansang pagkakilanlan ng isang lahi o bansa.
Pambansa
Ito ang antas na may pinakamayamang uri. Madalas ito ay ginagamitan ng mga salitang may iba pang kahulugan.
Pampanitikan
ayon sa kanya, mayroon pitong tungkulin ng wika
Michael A.K. Halliday (1973)
Naipapahayag ang mga sariling damdamin, pananaw, opinyon at maging personalidad ng isang indibidwal.
Personal
Nalulubos ang gamit ng wika kapag nailapat sa pagsulat o pagbigkas ng mga akdang pampanitikan. Malikhain ang tunguhin nito kung kaya karaniwan nang mapapansin ito sa mga gawang masining o estetiko.
Imahinatibo
Mahalaga ang gamit na ito ng wika sa dahilang sa pamamagitan nito, pinananatili ang mga relasyong panlipunan.
Interaksyonal
Tulad ng ngalan nito, ginagamit ang wika dahil na rin sa pangangailangang maipaalam ang napakaraming katotohanan, datos at impormasyong hatid ng mundo.
Impormatibo/Representasyonal
Ginagamit ang wika ng tagapagsalita para mangyari / maganap ang mga bagay-bagay. Pinababayaan ng wikang pagalawin (manipulate) ng tagapagsalita ang kanyang kapaligiran.
Instrumental
Gamit ng wika para alalayan ang mga pangyayaring nagaganap (pag- alalay o maintenance of control). Maaaring kasangkot ang sarili o iba.
Regulatori
Gamit ito ng taong nais na matuto at magkamit ng mga kaalamang akademik at/o propesyonal.
Heyuristiko
Ayon sa kanya, mayroon anim na tungkulin o gamit ng wika.
Roman Jakobson (2003)
Pagpaparating ng mensahe at impormasyon.
Kognitibo/Reperensyal/Pangkaisipan
Paghimok at pag-impluwensya sa iba sa pamamagitan ng mga pag-uutos at pakiusap.
Conative
Pandamdamin, Pagpapahayag ng mga saloobin, damdamin at emosyon.
Emotive
pakikipagkapwa-tao
Phatic
paglinaw sa mga suliranin tungkol sa mga layunin (intensyon) ng mga salita at kahulugan.
Metalinggwal
patula, paggamit ng wika para sa sariling kapakanan.
Poetic
Pagkakaroon ng natatanging katangian na nauugnay sa partikular na uri ng katangiang sosyo-sitwasyunal
Varayti
panrehiyon o heograpikal na varayti ng wika na may sariling ponolohiya, sintaksis at leksikon (vocabulary).
Dayalekto
ang wikang tipikal/ pangkaraniwang ginagamit ng isang tao; ang personal na “wika” ng isang tao.
Idyolek
Anyo ng wika batay sa uri at paksa ng talakayan o larangang pinag- uusapan, sa mga tagapakinig o kinakausap o kaya ay sa okasyon at sa iba pang mga salik o factor.
Register
Ayon sa kanya, may tatlong dimension ang komunikasyon batay sa register.
Michael Halliday (1978)
Nauukol ito sa layunin at paksa ayon sa larangang sangkot sa komunikasyon.
Field
Tungkol ito sa paraan ng paghahatid o kung papaano isinagawa ang komunikasyon, pasalita ba o pasulat. May kinalaman din ito sa aktibidad at bokabolaryong angkop ang particular na larangan o propesyon.
Mode
Nangangahulugang para kanino/sino ang kasangkot sa komunikasyon o ang relasyon ng nagsasalita sa nakikinig. Sakop nito ang antas ng istilo sa pagsasalita mula sa napakapormal hanggang sa napakaimpormal.
Tenor
Batay sa katayuan o status ng isang gumagamit ng wika sa lipunang kanyang ginagalawan– mahirap o mayaman; may pinag-aralan o walang pinag-aralan; kasarian; edad atbp. salik o factor.
Sosyolek
“Wikang” umunlad/napaunlad sa dahilang praktikal (mabilisang transaksyon sa negosyo atbp.); walang masalimuot o kumplikadong tuntunin at limitado lamang ang talasalitaan o bokabularyo; walang native speaker nito dahil paghahalu-halo lamang ng mga wika.
Pidgin
Ginagamit sa mas malalawak na larangan o field
Creole
Ipinagbawal ang paggamit nito sa paaralan at sa tanggapan.
Bernakular
Tinaguriang "Ama ng Wikang Pambansa"
Manuel L. Quezon
Ipinag-utos nang nooý kalihim Jorge Bacobo ng Paturuang Bayan na gagamitin ang mga katutubong diyalekto bilang mga pantulong na wikag panturo sa primary simula taong panuruan 1939-1940.
BE Circular No. 71, s. 1939
Noong Abril 1, 1940 ay nilagdaan ng pangulong Quezon ang kautusan at ditoý ipinag-utos ang pagtuturo ng wikang pambansa sa lahat ng paaralang pampubliko at pribado sa bansa. Nag-aatas din ito ng paglilimbag ng Tagalog-English Vocabulary at isang gramatika na pinamagatang Ang Balarila ng Wikang Pambansa.
Kautusang tagapagpaganap Blg. 263
Naglalaman ng pagmumungkahing magsama ng isang pitak o seksiyon sa Wikang Pamabansa sa lahat ng pahayagang pampaaralan upang mapasigla ang pag-aaral ng Wikang pamabansa sa mataas na paaralan, mga paaralang pormal at tekniko na nilagdaan ng Direktor ng Pagtuturo na si Celendonio Salvador.
Bulitin Blg. 26, s. 1940
Noong Nobyembre 1943, nagpalabas si Jose P. laurel ng Executive Order blg. 10 na nagsasaad na ang wikang pamabansa ay ituturo sa lahat ng mataas na paaralang pampubliko at pampribado, kolehiyo at unibersidad na agad magkakabisa simula taong panuruan 1944-45.
Executive order No. 10
Ipinalabas ng kagawaran ng Edukasyon na nagtatakda ng tentatibong kurikulum sa elementarya. Sa kurikulum na ito, ang wikang pamabansa ay binibigyan ng araw-araw na pagkakaklse, 15 minuto at 30 minuto sa intermediya.
Memorandum pangkagawaran blg. 6, s. 1945
Hunyo 19, 1974, ang Kagawaran ng Edukasyon at Kultura ay naglagda sa pamamagitan ng kautusan ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng patakarang Edukasyong Bilingguwal. Ayon sa panuntunang ito, binibigyan ng katuturang magkahiwalay na paggamit ng Pilipino at Ingles bilang mga panturo sa mga tiyak na asignatura, sa pasubaling gagamitin ang Arabic sa mga lugar na ito ay knakailangan.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 25
Simula sa taong panuruan 1979- 1980, isasama sa kurikulum ang lahat ng mga institusyong tesarya ang anim (6) nay unit ng Pilipino.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 50, s. 1975
Ang Filipino at Ingles ay gagamiting mga midyum sa pagtuturo. Ituturo din ang dalawang wika at gagamiting midyum ng pagtuturo sa lahat ng antas ng edukasyon para matamo ang bilingguwal na kahusayan.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 52, s. 1987
Sa animnapu’t tatlong (63) minimum na kahingian ng Gen. Ed. Curriculum (GEC), siyam (9) nay unit ang inilaan sa Filipino at (9) din sa Ingles.
CHED Memorandum Order (CMO) No. 59, s. 1996.
Siyam (9) na yunit ng Filipino ang kukunin sa programang Humanities, Social Science at Communication (HUSOCOM) at anim (6) naman sa di-HUSOCOM.
CMO NO.4, s. 1997
Ang Filipino at Ingles ang mananatiling mga wika sa pagtuturo at ang mga local na wika ay gagamitin bilang pantulong na wika ng pagtuturo para sa pormal na edukasyon at para sa alternatibong sistema ng pagkatuto.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 60, s. 2008
Ito ay may pamagat na Institutionalizing Mother Tongue-Based Multilingual; Education (MTBMLE). Sa kautusang ito, unang wka ang gagamiting wikang panturo para sa pangunahing literasiya.
Kautusang pangkagawaran Blg. 74 s. 2009
Dahil sa pagbabago ng Sistema ng edukasyon, sa seksyon 3 ng kautusang ito, ang GEC ay bumaba sa 36 na yunit at inalis ang Filipino bilang asignatura. Ang GEC ay maaaring ituro sa wikang Ingles o Filipino.
CMO No. 20. s. 2013
Ito ay kautusang pagdaragdag ng asignaturang Filipino sa lahat ng kurso sa kolehiyo bilang bahagi ng GEC. Ang CMO no.57 ay naipatupad, ang pagbabalik ng asignaturang Filipino at hanggang sa kasalukuyan ay mainit pa rin itong pinag-uusapan.
CMO No. 57, s. 2017
Ito ay tumutukoy sa isang diyalekto na ginagamit ng dalawa o higit pang mga tao na may magkaibang pangunahing wika.
Lingua Franca
Ito ay tumutukoy sa isang diyalekto na ginagamit ng dalawa o higit pang mga tao na may magkaibang pangunahing wika.
Biligguwalismo